Monday, March 2, 2009

Alumni 67'

Huling araw ng pebrero hindi ko inaasahan magiging masaya ako at magpaparty sa Alumni 67' hehehe... secret un kung saan. =P masarap na pagkain at pormal na outfit kahit labag sa loob ko eh sumabak ako dahil sa isang tao. Hi! musta na pla sau! =) ibat - ibang tao ang nakasalamuha ko pati si Mayor Lim nandun at c Michael V ang host bonggang bonggang bong bong hehehe. salamat sa mga pulis pangkalawakan at natuwa naman sila nun ako'y makita nila. galing magsayaw ni mam pulis at si sir pulis ayaw matinag sa upuan hehehe... ngaun alam ko na kung saan nagmana si pare ko, sa husay at sa indak kopyang kopya hala sayaw to the max eh pati kembot at looks kuhang kuha at ayaw pa umuwi parang si pare ko mangatwiran. hekhek. ganda ng mga tinugtog ng banda simula 70's - 80's up to 90's para silang JUKEBOX lahat ng dance step nakita ko dun yun swing, boogie, chacha at yun ewan anu ba tawag dun basta kakaiba eh.haha! lahat sila masaya may mainitin ang ulo at pikon meron din naman ingles ng ingles hindi mo naman kilala haha! Sa halip nakalimutan ko na natapos ang party mag 1am na tas saka ko naalala na napaka importante pala ng araw na yun sa buhay ko, PRIMERO UNO! astig yun! Sana nagustuhan nyo ang munting regalo ko sa inyo. Simple ngunit galing sa puso. hanggang ngayon pag naaalala ko yun araw na yun ay napapa ngiti ako at napapa DANCE DANCE kaso old school eh pero ok lng music pa din at katuwaan. Paborito ko na yun kanta na BUS STOP hindi ko alam kung sino un kumanta pero ang sarap pakinggan kahit hindi ako marunong sumayaw eh napapa indak nito ang aking paa at kamat sabay ng ulo. Mahirap man iexplain basta masaya ako, sana marami pang Alumni event hehehe este mga masasayang okasyon ang dumating at maging parte ako nito. Saya eh! All Good! Good Vibes at swabe sa aksyon. haaaaa... antok na ako, yari nanaman ako nito kasi puyat ako. hehehe.... SOWEE =) Tamang timing at tyempo lang diba! sabayayan ang tunog at ang agos ng buhay. mahiya man tayo alam natin ang totoo sa bawat isa, =) ISMAYL lagi ha. ( sabay kanta ng I LOVE YOU MORE TODAY THAN YESTERDAY... ) hehehe hang over pa ako sayo.=P

No comments:

Post a Comment