Wednesday, December 31, 2008
Why does it always have to end like this...
Haaayyy... huling araw ng taon at sobrang lungkot ko.=( Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata at sasabihin sa sarili ko na kaya mo yan, sabay naman ang pagpatak ng luha na hindi mapigilan dumampi sa akin mga pisngi. Samot-saring alaala ang bumabalik sa akin isipan, tinatanong sa aking sarili maaayos pa ba?... pinang hihinaan na ng loob, utak ko ay parang naka nitrous at may afterburner pa ang tulin mag isip ayaw huminto wheww!!! Pati tibok ng puso ko eh parang dagundong ng tambol mala beatbox ang dating, sabay biglang matutulala tapos maglalakad kaliwa't kanan hindi naman alam kung saan patungo parang dance lesson lang eh, cha-cha o boogie game yata un paa ko eh. Mga daliri ko ayaw naman mag paawat sa pag tipa ng gitara at sasabayan ng boses na sintunado ayuz dba! Feeling Rockstar. Yan ang routine ng isang SABLAY. haaayyy... Mag sisimula uli ako, teka! San ba un starting line? Ahmm... hindi mo rin ba alam. Tara sabay tayong mag simula muli kaso iba na ang dadaanan mo. Hayaan na kita mauna sa akin alam ko magkikita din tayo pag dating ng panahon ENSHALA.=) Tama ba? Ngayon lang ako nagsulat ng ganito ka gulo este ka dugo pala. Parang spartan lang. Mag susulat ako sa blog kada katapusan ng buwan para hindi naman maubusan baka kasi same stuff lang yun maisulat ko. Hindi ko makakalimutan ang araw ng Lunes desyembre 31, 2004 ang araw kung kelan niya ipinag kaloob sa akin ang kanyang matamis na "OO" Tas napag isipan namin na gawin enero 1, at ayun dun nagsimula ang napakagandang karanasan ng aking buhay. May nagmamahal ng totoo at lubos. Ngunit ngayon pareho ng petsa Desyembre 31 dapat masaya kaso wala ng saysay magsaya. =( Apat na taon na dapat kami bukas "4 SOLID YEARS" kaso ampaw eh sumala. Kung gaano ako naging kasaya dati eh kabaliktaran na ngayon parang "DOOMSDAY" tas sasabayan pa ng MUSE na band! san ka pa? Ngayon masasabi ko na madami na akong natutunan sa buhay at ipagpapa-tuloy ko ito dapat mas matatag! Sa pagmamahal na naramdaman ko sa kanya wala na yatang maibibigay pa sa iba. "TRUE LOVE WAITS" yan ang lagi kong isasaisip at isasagawa. Sa inyong lahat salamat HAPPY NEW YEAR!!! Welcome 2009!=) A new hope for all of us maybe a good start to think what we really want in life. Unang hakbang ko ito salamat sa inyo lalo na kay "KARURU" Tuloy tuloy lang ng hindi maiwanan ng iskul bus at maging iskul bukol. Sakto un ah double meaning!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


i was here! -mae
ReplyDeletediba nga,if its meant to be,it will be...
ReplyDeleteThe story ends but it continues life
ReplyDeleteThe story ends but it continues life…..
No matter what,
No matter how,