Tuesday, January 13, 2009
New Hairdo
Wheeeww... kakapagod talaga pumasok sa eskwela, laging sinisita ang buhok ko ewan ko ba kung bakit palibhasa panot yun guard na bantay eh. Kay eto nagpagupit ako ng maiksi sumobra naman, at nun pumasaok ako eh sinita pa rin ako sabi bat may design?!... Grrr... kung pede lng sapakin un guard eh. haayyy... tiis na lang muna ako, next sem laya na din naman ako sa PRISON BREAK campus. hehehe...=P so long suckers! OJT sa AIRPHIL, ang inaasikaso ko ngaun tamang ayos ng mga paper stuffs. panibagong pakikipag sapalaran na naman ito kya ipag patuloy ang daloy ng alon. CEBU! sinulog festival na pala sa sabado hindi ko pa naaayos un dadalhin ko. Trabaho sa TBC - taken by cars MUSIKA at madaming CHIBOG at alam na! hehehe... Tas next wik midterms na, nyahaha!!! ramdam ang kaba at saya pinaghalong pinakbet at nilaga! Na mimish ko c karuru...=( sana d2 pa din siya, kaso nagbakasyon sa NEVERLAND eh. wala ako TP papunta dun sa ngaun. haayyyy.... xaxa, DOTA muna kami ng ka block ko para magkaalaman na kung sino ang weak! ACROSS THE SEA by weezer listen to it, yun ang kwento ni arujayu. =) merci
Thursday, January 1, 2009
The Waves
Yes! Sa wakas AhhhhLONnnnn parang SILVER SURFER lang !!! Thats what i need, hehehe... GREAT ESCAPE! Kalimutan muna lahat ng problema sa buhay at magsaya kasama ang barkada. Gitara! Chibog! at cyempre ang pampahulas na alak, FOR THE GOD'S! Sakto ito, gusto ko kasi mag simula uli mag pinta, bigyan kulay ang buhay sa sinabawang gulay. =) ...Hindi ako sanay mag impake ng gamit laging may kulang o may nakakalimutan hehe ganun yata pag tumatanda na eh ang balakang! ahuhu... Battle ROYAL ang dating survivor series, kailangan maging matatag! No rules ang laro, una! basta wag makakasakit ng iba. ikalawa! bawal ang below the belt o anu man deadly weapon. ika taktlo! wag pasaway wag malikot at baka malagyan ng buhangin ang pansit, pansit wid buhangin na paminta! pwehhh!!! yan malamang ang maririnig sa makakain nito sabay tawa! TEKA!!! akala ko NO RULES?!... BOMALABS talaga GOOD VIBES as always ang lagi kong sinasabi. ALL GOOOODDDD!!! hehehe... Maging malaya at maging masaya, mga sangkap mula sa MAMACITA'S recipe cook book. Halo-halong kalokohan at walang kabuluhan ang nasa isip ko ngaun parang isip bata lang na ang gusto ay magpakasaya lang, kumain, matulog, kumain uli, matulog kunwari hehehe... at pag nahuli ka na nagtutulog-tulugan yari ka kay LOLA NENA! palu ka sa pwet na may kurot pa sa singit awwww!!! at wala kang meryenda, pero ok lng kasi champorado na ewan yun lasa, salbahe ko! hahaha... Yan sakto yun sawnds, STA. MARIA! kung alam mo yung kanta, sabayan mo ako kung hindi eh malamang sa EMBAHADA ka ng mga SOSYALERA nababagay TUGS-TUGS! Kape tau!... Hmmm... Lahat dito sa bahay nagkwekwentuhan at masaya, ako dito sa sulok at nag bla-blog may sariling mundo, TIME SPACE WARP! katching. Pagkatapos ko mag blog eh hindi ko pa alam ang akin gagawin. Parang masarap mag punta sa U.P. Diliman at mag laro na parang bata mag soccer at mag laro ng flying disc at mag fishball o isaw o tapsilog. Habang nag tatayp ako eh lagi akong napapalingon sa cellphone ko, ganitong oras kasi may kausap na ako at nag kukulitan na kami. Haaiiiizzzz (EMO) yuccckkk!!! Napapa kunot ang akin nuo at napapangiwi ang mga labi, parang may iniisip pero wala naman, wala naman pero meron pala, meron nga! kulitttt! kaso wala na =(
yun pala ang sagot dun! Ikaw na nagbabasa nito musta naman ang buhay mo, =) Sana napa ngiti kita o napatawa sa akin mga na share sa buhay flickr.com/photos/chillinator/201796604/ click mo sa link na ito. Yan ang isa sa mga biktimang mambabasa. hehehe... Salamat sa pag bisita at Mabuhay ka! Mabuhay ka! Maaaabbuhhaaayyy ka! it's ALIVE!!! Keep Rocking and GO WITH THE FLOW! (QOTSA) Ay Sus!!! HhhBbbbRrrr... (PEDICAB) Hush (MAYFAIR) oha oha!
Oist dennis! it's time to shine, time to shine your bald head! hehehe... prepare the troops and we shall conquer PLANET TELEX (RADIOHEAD). =) adios!
yun pala ang sagot dun! Ikaw na nagbabasa nito musta naman ang buhay mo, =) Sana napa ngiti kita o napatawa sa akin mga na share sa buhay flickr.com/photos/chillinator/201796604/ click mo sa link na ito. Yan ang isa sa mga biktimang mambabasa. hehehe... Salamat sa pag bisita at Mabuhay ka! Mabuhay ka! Maaaabbuhhaaayyy ka! it's ALIVE!!! Keep Rocking and GO WITH THE FLOW! (QOTSA) Ay Sus!!! HhhBbbbRrrr... (PEDICAB) Hush (MAYFAIR) oha oha!
Oist dennis! it's time to shine, time to shine your bald head! hehehe... prepare the troops and we shall conquer PLANET TELEX (RADIOHEAD). =) adios!
Wednesday, December 31, 2008
Why does it always have to end like this...
Haaayyy... huling araw ng taon at sobrang lungkot ko.=( Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata at sasabihin sa sarili ko na kaya mo yan, sabay naman ang pagpatak ng luha na hindi mapigilan dumampi sa akin mga pisngi. Samot-saring alaala ang bumabalik sa akin isipan, tinatanong sa aking sarili maaayos pa ba?... pinang hihinaan na ng loob, utak ko ay parang naka nitrous at may afterburner pa ang tulin mag isip ayaw huminto wheww!!! Pati tibok ng puso ko eh parang dagundong ng tambol mala beatbox ang dating, sabay biglang matutulala tapos maglalakad kaliwa't kanan hindi naman alam kung saan patungo parang dance lesson lang eh, cha-cha o boogie game yata un paa ko eh. Mga daliri ko ayaw naman mag paawat sa pag tipa ng gitara at sasabayan ng boses na sintunado ayuz dba! Feeling Rockstar. Yan ang routine ng isang SABLAY. haaayyy... Mag sisimula uli ako, teka! San ba un starting line? Ahmm... hindi mo rin ba alam. Tara sabay tayong mag simula muli kaso iba na ang dadaanan mo. Hayaan na kita mauna sa akin alam ko magkikita din tayo pag dating ng panahon ENSHALA.=) Tama ba? Ngayon lang ako nagsulat ng ganito ka gulo este ka dugo pala. Parang spartan lang. Mag susulat ako sa blog kada katapusan ng buwan para hindi naman maubusan baka kasi same stuff lang yun maisulat ko. Hindi ko makakalimutan ang araw ng Lunes desyembre 31, 2004 ang araw kung kelan niya ipinag kaloob sa akin ang kanyang matamis na "OO" Tas napag isipan namin na gawin enero 1, at ayun dun nagsimula ang napakagandang karanasan ng aking buhay. May nagmamahal ng totoo at lubos. Ngunit ngayon pareho ng petsa Desyembre 31 dapat masaya kaso wala ng saysay magsaya. =( Apat na taon na dapat kami bukas "4 SOLID YEARS" kaso ampaw eh sumala. Kung gaano ako naging kasaya dati eh kabaliktaran na ngayon parang "DOOMSDAY" tas sasabayan pa ng MUSE na band! san ka pa? Ngayon masasabi ko na madami na akong natutunan sa buhay at ipagpapa-tuloy ko ito dapat mas matatag! Sa pagmamahal na naramdaman ko sa kanya wala na yatang maibibigay pa sa iba. "TRUE LOVE WAITS" yan ang lagi kong isasaisip at isasagawa. Sa inyong lahat salamat HAPPY NEW YEAR!!! Welcome 2009!=) A new hope for all of us maybe a good start to think what we really want in life. Unang hakbang ko ito salamat sa inyo lalo na kay "KARURU" Tuloy tuloy lang ng hindi maiwanan ng iskul bus at maging iskul bukol. Sakto un ah double meaning!
Subscribe to:
Posts (Atom)

